News & Events

Padala Payout Panalo

Paano sumali?

  1. Promo duration: August 15 – November 14, 2016.
  2. Ang promo na ito ay bukas sa mga Cebuana Lhuillier clients na magcclaim ng Pera Padala mula Remitly USA at Canada.
  3. Isang (1) qualified Pera Padala Remitly pay-out = isang (1) e-raffle entry.
  4. Walong (8) masusuwerteng winners ang mananalo ng isang (1) motorcycle na may 1 year CTPL insurance each.
  5. Ang raffle draw ay magaganap sa P.J. Lhuillier, Inc. ICT Office 3/F The Networld Hub 156 Jupiter cor. Comet Sts., Bel-Air, Makati City 1209 ng 4:00PM sa November 25, 2016.

REMINDERS:

  1. Lahat ng raffle entries ay base sa transaction number na galing sa Remitly USA at Canda lamang.
  2. Maaaring magkaroon ng maraming entries base sa bilang ng qualified transactions.
  3. Isang beses lang pwede manalo ang winner sa draw.
  4. Lahat ng winners ay makakatanggap ng registered mail na naglalaman ng mga instructions na kailangan nilang sundin para ma-claim ang kanilang prize. Dapat nila itong i-present sa nearest Cebuana Lhuillier branch na i-aassign sa kanila kasama ang kanilang valid ID. Ang list of winners ay i-popost sa Cebuana Lhuillier branches at sa official Facebook page ng Cebuana Lhuillier (www.facebook.com/cebuanalhuillierpawnshop).
  5. Lahat ng mga clients ay kailangang i-update ang kanilang personal information (e.g., name, address, active mobile/telephone no., and birthday) sa Cebuana Lhuillier branch na kanilang pinag-tatransactan. Ang kanilang information na naka-record ay kikilalaning tama at magiging basehan sa pagpapadala ng kanilang notification letters.
  6. Ang hindi pag-receive ng mga winners ng kanilang notification letters dahil sa kanilang outdated personal information ay hindi pananagutan ng P.J. Lhuilier Inc.
  7. Lahat ng winners ay may animnapung (60) araw mula sa pagkatanggap ng notification letter para i-claim ang kanilang premyo. Lahat ng premyo na hindi na-claim ay mababaliwala pabor sa P.J. Lhuillier Inc. na may paunang pagsang-ayon ng DTI.
  8. Ang mga empleyado ng P.J. Lhuillier Inc. at mga Ad/Creatives Agency, PR and Media agencies pati ang mga kamag-anak nito hanggang second degree of consanguinity o affinity ay hindi maaaring sumali sa promo.